Thursday, February 2, 2012

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA MGA LARAWAN PART I

"Siya Ang Inyong Pakinggan" ni Reb. Padre Enrique Demond, SVD

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA MGA LARAWAN
PART I

            Minsan may isang kaanib ng Iglesia ni Cristo (1914) ang nagpaskel sa wall ng Facebook account ko ng isang video mula sa Youtube na ang pamagat ay “Kung Bakit ang IGLESIA NI CRISTO Walang Imahen o Rebulto.”[1] Ang pangalan po ng kaanib ng Iglesia ni Cristo ay si ALLAN JOSE DIGIDI. Malinaw po na itong Manalistang si ALLAN JOSE DIGIDI ay nauto ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo.

            Una sa lahat, isa pong kasinungalingan ang sabihin sa titulo ng video na walang imahen o rebulto sa Iglesia ni Cristo (INC). Bakit po? Kasi doon mismo sa video makikita na ang luklukan ng ministro ay may selyo ng Iglesia ni Cristo. Ano po ang nakalagay sa selyo? Inukit na larawan ng kalapati at ng tupa.[2] Hindi ba kasinungalingan na sabihing walang imahen o rebulto sa Iglesia ni Cristo?  

Ministrong sinungaling at mapagkunwari: Wala daw imahen o rebulto sa Iglesia ni Cristo?

            Tahasang binabanggit sa pamagat ng video na walang imahen o rebulto ang Iglesia ni Cristo. Eh ano ang tawag nila sa monumento ni Felix Manalo sa Central? Hindi ba rebulto? Abot hanggang sukdulan ang pagkamuhi ng mga INC sa mga larawan ng Iglesia Katolika. Bakit meron din sila? Talaga nga namang mapagpaimbabaw ang mga INC! Lapat na lapat sa kanila ang wika ni Apostol Pablo sa Roma 2:1-3:

Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay. At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay. At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?”

Larawan ng kalapati at tupa na nasa sagisag ng Iglesia ni Cristo na nakaukit sa luklukan ng ministro sa mga bahay sambahan ng INC

Kunyari ayaw sa larawan at wala daw larawan sa kanila. Pero mayroon din naman pala. Sa katunayan ang mga bahay ng INC ay may mga larawan ng mga Manalo. Maging sa New Era General Hospital sa Commonwealth nakabungad ang larawan ni Eraño Manalo. Tunay nga na mapagkunwari, mga mapagpaimbabaw at mapagbalatkayo ang mga INC. Talamak po talaga sa kasinungalingan ang INC. Talagang may pinagmanahan. Kanino ba nagmana sa kasinungalingan ang mga ito? Ang wika ng Panginoong Jesus sa mga sinungaling na kagaya nila:

Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.”

Akala ko ba walang larawan sa Iglesia ni Cristo? Eh ano to? Larawan ng diosdiosan?
Monumento ni Felix Manalo sa loob ng Central ng Iglesia ni Cristo

            Ang INC ay kilalang taga-usig ng Iglesia Katolika. Halos lahat ng pangangaral ng mga ministro ng pangkat na ito ay umiinog sa pag-aalipusta sa Iglesia Katolika. Bawat buka ng bibig ng mga ministro ay puno ng pamamaratang sa pananampalatayang Katoliko. Pangunahin sa mga paratang na iyan ay ang diumano’y pagsamba natin sa mga larawan na ayon sa kanila’y mga dios-diosan. Subalit hanggang sa ngayon ay wala silang maipakitang opisyal dokumento o aral ng Santa Iglesia na nagtuturong dapat sambahin ang mga larawan. Ni isang katiting na encyclical o kautusan mula sa Santo Papa na nagsasabing sumasamba ang mga Katoliko sa larawan ay hindi mailabas ng mga ministro ng INC.

            Sapagkat walang mahagilap na opisyal na dokumento ng Iglesia Katolika ang mga ministro ng INC, pinalalabas nila na ang mga pari daw mismo ang nagtuturo at nagsasabi na ang Iglesia Katolika ay sumasamba sa larawan. Ang sabi po ng ministro ng INC:

Hawak ng ministro ng INC ang aklat ni Padre Enrique Demond, SVD: Wala daw silang larawan sa INC ngunit pansinin na sa ulo niya mismo may larawan ng kalapati at tupa

“Mga kababayan, hindi po ginawa at hindi po gagawin ng Iglesia ni Cristo ang magbintang or magparatang. Kung sinasabi man namin na ang nakagisnang relihiyon, ang Iglesia Katolika Romana, ay sumasamba sa larawan, alam po ba ninyong inuulit lamang namin ang sinasabi ng Iglesia Katolika sa pamamagitan ng mga pari. Sila po mismo, ang mga pari mismo, ang nagtuturo at nagsasabi na ang Iglesia Katolika sumasamba po sa larawan.”

Hindi daw sila nagbibintang o namamaratang. Eh ano ang ginagawa nila kundi puro pagbibintang at pamamaratang? Wala po akong kilalang pari ang na nagsasabi o nagtuturo na ang mga larawan ng Panginoong Jesukristo, Mahal na Birheng Maria at mga santo ay sinasamba at dapat sambahin. Kahit sinong pari ang tanungin ninyo. Guni-guni lamang yan ng mga ministro ng INC.

Akala ng mga INC hindi mabibisto ang kanilang panloloko. Akala nila wala kaming kopya ng aklat na ito: "Siya ang Inyong Pakinggan" ng paring si Enrique Demond, SVD

Pero ang INC po ay sadyang mapanglinlang. Ano ang kanilang ginawa? Naghanap sila ng lumang-lumang aklat na sinulat ng isang paring Katoliko at ginawa nilang referencia para mapanindigan ang iginigiit nilang paratang na tayong mga Katolko ay diumano'y sumasamba sa mga larawan. Sa lahat ng kanilang pamamahayag at pangangaral at pandodoktrina, ginagamit nila ang aklat na ito. Akala ng mga INC ay wala tayong kopya ng aklat na iyan at hindi natin mabubuking ang panlilinlang nila ng kapwa.

Ang sabi pa ng ministro:

 “Ano po ang katunayan? Babasahin ko po ang isang aklat Katoliko, Siya Inyong Pakinggan - Ang Aral na Katoliko. Ito po ay isinulat ng paring si Enrque Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may imprimi potest at nihil obstat ni Jose Jovellanos, imprimatur ni Jose Bustamante, babasahin ko po ito ito dito sa pahina 12. Ito ang sinasabi ng pari, hindi po kami.”

Ano daw po ang nasusulat sa pahina 12? Ganito po:

            “Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: “Sinasamba kita at pinupuri, Panginoong kong Jesukristo, na dahilan sa iyong Santa Krus ay sinakop mo ang daigdigan.”

Paboritong panggoyong referencia ng Iglesia ni Cristo

Sapagkat nabasa nila ang mga katagang “sinasamba ang larawan ni Kristong nakapako sa Krus,” ipinalagay na nila na ang mismong larawan ni Jesus ang ating sinasamba. Mali po ang unawa ng mga INC sa bagay na ito. Nagpapatunay lamang na hindi sila mga lingkod ng Dios sapagkat ang tunay na lingkod ng Dios ay humihingi ng unawa: “Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo” (Awit 119:125). Salat sa unawa ang mga ministro ng INC na taliwas sa sinasabi sa Kawikaan 1:2: “upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa.” 

Si Padre Enrique Demond, SVD ay isang paring Katoliko at ang kanyang aklat ay aklat Katoliko. Kaya dapat ito ay uunawin ayon sa pang-unawa ng may akda at ng mga Katoliko. Sa Iglesia Katolika, maraming ibig sabihin ang “pagsamba” sapagkat nagbabago po ang kahulugan ng salitang ito. Bilang referencia, ihaharap ko ang Catholic Encyclopedia:[3]

New Catholic Encyclopedia
Matutunghayan ang nilalaman sa

Malinaw na ayon sa ating unawa:

“The word worship (Saxon weorthscipe, “honour”; from worth, meaning “value”, “dignity”, “price”, and the termination, ship; Latin cultus) in its most general sense is homage paid to a person or a thing. In this sense we may speak of hero-worship, worship of the emperor, of demons, of the angels, even of relics, and especially of the Cross. This article will deal with Christian worship according to the following definition: homage paid to God, to Jesus Christ, to His saints, to the beings or even to the objects which have a special relation to God.

There are several degrees of this worship:
  • if it is addressed directly to God, it is superior, absolute, supreme worship, or worship of adoration, or, according to the consecrated theological term, a worship of latria. This sovereign worship is due to God alone; addressed to a creature it would become idolatry.
  • When worship is addressed only indirectly to God, that is, when its object is the veneration of martyrs, of angels, or of saints, it is a subordinate worship dependent on the first, and relative, in so far as it honours the creatures of  God for their peculiar relations with Him; it is designated by theologians as the worship of dulia, a term denoting servitude, and implying, when used to signify our worship of distinguished servants of God, that their service to Him is their title to our veneration (cf. Chollet, loc. cit., col. 2407, and Bouquillon, Tractatus de virtute religionis, I,Bruges, 1880, 22 sq.).
  • As the Blessed Virgin has a separate and absolutely supereminent rank among the saints, the worship paid to her is called hyperdulia (for the meaning and history of these terms see Suicer, Thesaurus ecclesiasticus, 1728).
In accordance with these principles it will readily be understood that a certain worship may be offered even to inanimate objects, such as the relics of a martyr, the Cross of Christ, the Crown of Thorns, or even the statue or picture of a saint. There is here no confusion or danger of idolatry, for this worship is subordinate or dependent. The relic of the saint is venerated because of the link which unites it with the person who is adored or venerated; while the statue or picture is regarded as having a conventional relation to a person who has a right to our homage — as being a symbol which reminds us of that person…”

Salat sa kaalaman sa Biblia ang mga ministro ng INC. Tila hindi nila nabasa ang 1 Cronica 29:20 ng Ang Biblia

Nagkamali ba ang Iglesia Katolika sa unawang ito? Hindi po sapagkat sinasang-ayunan iyan ng Biblia. Sa 1 Cronica 29:20, ganito po ang ating mababasa:

"At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari."

Sa Inggles:

“And David said to all the congregation, Now bless the LORD your God. And all the congregation blessed the LORD God of their fathers, and bowed down their heads, and worshipped the LORD, and the king.”

Nangangahulugan ba na ang pagsamba sa Panginoon at sa hari ay magkaparehas?[4] Hindi po. Ang pagsambang ukol sa Panginoon ay pagsamba sa Dios (adoration, latria) ngunit ang pagsamba sa hari ay pag-galang (veneration) lamang. Hindi po magkasing-hulugan ang dalawa. Ganun din po ang gamit ni Padre Demond sa kaniyang aklat. Ang “pagsamba” sa larawan ng Panginoong Jesus na nakapako sa Santa Krus ay hindi pagsamba (adoration, latria) sa larawang bato o papel, bagkus sa Panginoong Jesukristo mismo gaya ng sinasabi, “Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong Jesukristo.”

Ang pahina 12 lamang ng aklat ni Padre Enrique Demond ang binabasa ng INC upang igiit na sumasamba ang Iglesia Katolika sa mga larawan. Ngunit mali na naman ang unawa nila dito. Ipinagpipilitan nila ang kanilang baluktot na pagkakaintindi

Ano po ang patunay natin na ganoon nga ang ibig sabihin ni Padre Demond? Hayaan natin na siya mismo ang magpaliwanag sapagkat siya ang may-akda ng naturang aklat. Sa pahina 116 ng kanyang aklat na Siya Inyong Pakinggan - Ang Aral na Katoliko (na ni minsan ay hindi binabanggit ng mga ministro ng INC), ganito po ang paliwanag ni Padre Demond:

Dapat naman nating igalang ang mga larawan ni Jesukristo at ng mga santo, sapagka’t kung marapat ang mga anak ay gumalang sa larawan ng kanilang mga magulang, ay lalong marapat na ingatan at igalang ang mga larawan ni Jesukristo at ng mga santo. Ang mga larawan ay nagpapaalala sa atin kay Jesukristo at sa mga santo sa langit at habang tumitingin at nagmamasid tayo sa kanila, tayo ay nakapagdadasal ng magaling, ng higit kay sa hindi nakikita ng ating mga mata. Hindi pagsamba sa mga anito o diosdiosan ang lumuhod at dumalangin sa harap ng mga larawan sapagkat hindi tayo dumadalangin sa mga larawang bato o papel, kungdi kay Jesukristo at sa mga santo at ang papuring ibinibigay natin (nalalagay ang mga bulaklak at nasisindihan ang mga kandila sa harapan nila) sa mga larawan, ay hindi natutungkol sa bato o sa kahoy kungdi kay Jesukristo at sa mga santo na siyang nalalarawan sa kanila. Ang mga larawang lalong dapat igalang ng mga kistiyano ay ang larawan ni Jesukristong napapako sa Krus o ang krusifiho, ang puso ni Jesus, ang larawan ni Santa Maria, ni San Jose, ng sagrada familia, ng angel na tagatanod, ng pintakasi ng bayan at iba pa.”

Ang pahina 116 ng "Siya Ang Inyong Pakinggan" ni Padre Enrique Demond na itinatago sa kanilang kaanib. Bakit hindi nila binabasa ito sa kanilang pandodoktrina, pangangaral at pamamahayag? Sapagkat ayaw nilang malaman ng madla ang paliwanag ng may-akdang si Reb. Padre Enrique Demond, SVD

Bakit po hindi binabasa ng mga ministro ng INC sa kanilang pamamahayag ang paliwanag na ito ni Padre Demond? Bakit nila pilit na itinatago ang katotohanang ito? Sapagkat sinasadya nila na makapandaya, makapanlinlang at makagoyo ng kapwa. Nangangahulugan na ang puntirya nila ay makapanira lamang sa mga Katoliko. Gagawin nila lahat ng uri ng panggogoyo tulad ng ginawa nila sa aklat ni Padre Demond upang makaligaw ng kapwa. Kagaya po ng kanilang amang Diablo, walang katotohanan sa kanila sapagkat kapag nagsasalita sila ay puro kasinungalingan lamang kagaya na naman po ng ating napatunayan. Minalas si ALLAN JOSE DIGIDI na nadaya ng mga kampon ni Felix Manalo at ng kaniyang hidwang iglesia.

Salamat sa Dios at sa Panginoong Jesus at nabisto ang matagal nang panlolokong ito ng mga kampon ng kadiliman, ang mga ministro ng huwad na Iglesia ni Cristo na tatag ng pekeng anghel na si Felix Manalo.

Larawan ng anghel sa Pasugo:  Bakit hindi si Felix Manalo ang anghel sa larawan?

12 comments:

Raf said...

Sila ang nagoyo!!! Hahahaha....

insightboy said...

bro mars ginamit na rin po sa akin yang libro ni fr Demond ng isang INC,that time hindi ako familiar sa libro na yan, pero nasupalpal ko pa rin yung INC. its nice to know na pareho tayo ng reasoning tungkol dyan.

origj said...

Ang bawal ay kung luluhod ka sa mga larawan at sambahin, iniiba mo naman ang topic d2, sa INC ang mga larawan ay hindi niluluhuran o sinasamba kahit ang sinasabi mong consecrate.

Keb said...

wahahah Chop chop naman ginawa nila they took out "...na dahilan sa iyong santa Krus ay sinakop mo ang daigdigan"

INC decieved themselves...

Ishmael Fischer Ahab said...

Comedy time ang mga Manalista.

Marwil N. Llasos, O.P. said...

TO ORIGJ:

[Ang bawal ay kung luluhod ka sa mga larawan at sambahin]

So inamin mo rin na hindi labag ang larawan. Ang bawal pala ay luluhod at sasamba sa larawan. Ganyan ang aral naming Katoliko eh. So tama pala ang ginagawa namin.]

[iiba mo naman ang topic d2]

Anong iniiba? INC ka nga kaya walang unawa. Eh andun sa youtube ninyo ang topic di ba? Marunong ka ba magbasa o sadyang illiterate ka? Anong nakasulat? “Kung Bakit ang IGLESIA NI CRISTO Walang Imahen o Rebulto.” Malinaw pa sa sikatan ng araw na iyan ang topic. Ikaw ang nag-iiba ng topic.]

sa INC ang mga larawan ay hindi niluluhuran o sinasamba

[Ayan! Timbog ka dito. Inamin mo ring may larawan sa INC. Ano kamo? Di niluluhuran o sinasamba? Ganyan na ganyan ang aral naming Katoliko eh. Kopya-kopya at gaya-gaya pala kayo eh.]

[kahit ang sinasabi mong consecrate]

Illiterate ka nga ORIGJ. Hindi ka talaga marunong magbasa at umunawa. Ganyan ba talaga kayong mga Iglesia? Lahat ba talaga kayo tanga?

Basahin mo ulit ang pinost ko kung may sinasabi akong "consecrate." Sinungaling ka talaga. Napatunayan na namang kayong mga INC ay sinungaling. Manang-mana sa inyong amang Diablo (Jn. 8:44).

Clyde Menkent said...

Hahaha,,, hopeless na ba Brother Mars ang mga Manalista? hahaha yan ang sinasabing sa paghatol mo sa iba ay sarili mo ang iyong hinahatolan hahaha like the Iglesia ni Cristo ooppss Iglesia ni Manalo pala nakakapangilabot lagyan ng pangalan ni Cristo ang Iglesia nila hahaha... mahilig silang magsabi na bawal ang larawan pero anu ung rebulto ni Felix Ysagun Manalo sa Central jan sa Ka-DILIMAN tapos may mga larawan pa ni Manalo sa mga bahay naku... anung kapaimbabawan yan... GALIT SA LARAWAN NI JESUS PERO MAHAL NA MAHAL ANG LARAWAN NI MANALO na pekeng Anghel na di makalipad hahaha...

G. D. said...

Mahina talaga ang pag-unawa ni origj

Bogey said...

@origj ang mga kulto mahilig sa pag ririp ng mga verse at ng mga aklat to suit their needs.

kung iyong mga ministro nyo nga lumuluhod sa harapan ni Manalo, so ibig sabihin sinasamba niyo si Manalo kung ikukulto ko ang utak ko.

Fr. Abe, CRS said...

ANG MADALAS NILANG I QUOTE LABAN SA ATING MGA CATOLICO AY ANG EX 20:4-5. KASI GUMAGAWA DAW TAYO NG GAWANG INANYUAN. E NGAYON SILA ANG GUMAWA. E DI TALBOG SA KANILA ANG KANILANG PANINIRA.

KAHIT HINDI NILA LUHURAN, THEY ALREADY VIOLATED EX 20:4.

KAPAG LARAWAN NI MANALO AT DUON SA PASUGO E OK LANG. PAG SA ATIN MASAMA. YAN AY MALINAW NA KAIPOCRITOHAN.

Keb said...

Lumuluhod? eh bakit sila naka luhod kung gumawa ng pastor si manalo?

Keb said...

@origi

what do you do if you miss some one you love?

diba kumukha ka ng picture niyaat hinahalikan mo o kaya niyayakap mo? wahahaha